Nais kong balikan ang nakaraan. Pag masdan ang panahon ng aking kabataan
Ang paglalaro sa arawan at pagtampisaw as ulan.
Nais kong gunitain ang simpleng kaisipan
Silipin ang sarili himbing sa higaan.
Nais kong pakinggan ang munting himig sa lansangan
Maamoy ang katawang pawisan sa alinsangan.
Nais kong pangaralan ang munti kong sarili
Tungkol sa pag-aaral pati paguugali
Iwasan ang katamaran at gawaing tiwali
Nais kong ituro ang daan na tama
Tungo sa kasaganaan at pagiging dakila
Ngunit aking natanto sa aking pagkadapa
Natututo ng lubos kamalia'y itinama.
Nais kong mamulat sa aking kamalian
Matutunan ang sanhi ng aking kasalukuyan
Kalmahin ang sigwa na aking nararanasan
Baguhin ang kamalian na aking nakasanayan.
Nais kong isuko ang aking kabataan sa takipsilim ng sangkatauhan
Paglubog ng araw nawa'y pati kalungkutan
Akin pong itinatagubilin ang bahaging ito ng aking kasaysayan
Lunurin sa lawak ng ginintuang karagatan.
No comments:
Post a Comment